Nawalan ng kuryente saktong alas tres, Ngayon-ngayon lang.
Kanina pa may tumutunog sa baba. Gusto ko sanang malaman.
Naiinis na ako. Gusto ko ng babain.
Pero paano? Sobrang dilim.
Gusto kong buksan ang emergency light pero tinatamad ako.
Magnanakaw kaya yun? Syet.
Sana naman hindi.
Habang tinatype ito, nagdadasal na lang ako.
Bumalik sa ala-ala ko nung magpaalam ka.
Gusto kong sabihing wag ka umalis.
Pero gaya ng pagtatago ko ngayon,
Isa pa din akong duwag tulad noon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento